Letran sumalo sa 3-way tie sa top spot
MANILA, Philippines — Sumosyo sa liderato ang Letran matapos talunin ang Emilio Aguinaldo College, 83-69, sa NCAA Season 99 juniors basketball tournament kahapon sa Filoil EcoOil Centre sa San Juan City.
Naglista si Titing Manalili ng 15 points, 9 assists, 3 rebounds at 1 steal habang kumolekta si Jolo Navarro ng 14 markers, 9 boards, 2 assists, 3 steals at 3 blocks para sa 5-1 record ng Squires.
Nakatabla nila sa lide-rato ang University of Perpetual Help Junior Altas at Mapua Red Robins.
Umeskapo ang Red Robins sa Junior Altas, 72-71, sa ikalawang laro.
Tinalo pa rin ng Letran ang EAC, nahulog sa 2-4 marka, kahit hindi naglaro si key player Syrex Silorio habang nasibak si big man Roy Reyes sa third period dahil sa unsportsmanlike foul.
Nakabangon ang Brigadiers mula sa isang 19-point deficit para makadikit sa 55-65 agwat bago kumamada sina Lloyd Razo at Alfred Asay para muling ilayo ang Squires sa 70-62.
Humataw si EJ Castillo ng 28 points sa panig ng EAC.
- Latest