^

PM Sports

Athletics taob sa Crossovers

Russell Cadayona - Pang-masa
Athletics taob sa Crossovers
Ang seksing si Eya Laure matapos ang panalo ng Chery Tiggo sa SGA.
PVL phot

MANILA, Philippines — Muling winalis ng Chery Tiggo ang kanilang kalaban para solohin ang liderato ng 2024 PVL All-Filipino Conference.

Pinabagsak ng Crossovers ang baguhang Strong Group Athletics, 25-12, 25-17, 25-19, para ilista ang 2-0 record kahapon sa Smart Araneta Coliseum.

Humataw si Mylene Paat ng 10 points mula sa siyam na attacks at isang ace para pangunahan ang Chery Tiggo sa paghuhulog sa SGA sa 0-2.

“Siyempre, past two games malaking tulong lalo na sa pagpasok ng players at decision ma­king,” ani Paat, ang 2023 Invitational Confe­rence MVP. “Lahat kami gusto ring maging ready. Magagamit namin ito against Choco Mucho.”

May siyam at tig-pitong marka sina EJ Laure, Cess Robles at Cza Carandang, ayon sa pagkakasunod.

Nauna nang dinomina ng tropa ni coach Kungfu Reyes ang baguhang Capital1 Solar Energy, 25-6, 25-15, 25-15, sa pagbubukas ng torneo.

Samantala, dinaig ng Cignal HD ang Akari, 21-25, 25-18, 25-12, 25-18, sa kanilang unang laro.

Pumalo si Vanie Gandler ng 19 points mula sa 17 attacks, 1 ace at 1 block para sa 1-0 record ng HD Spikers habang nag-ambag sina Ces Molina, Rose Doria at Riri Meneses ng 18, 16 at 13 markers, ayon sa pagkakasunod.

vuukle comment

CHERY TIGGO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with