^

PM Sports

Ika-7 sunod na panalo ipinoste ng Celtics laban sa Bulls

Pang-masa

CHICAGO — Kumamada si Derrick White ng 28 points para igiya ang NBA leading Boston Celtics sa 129-112 demo­lisyon sa Bulls.

Nagdagdag si Jayson Ta­­tum ng 25 markers ka­­sunod ang 21 points ni Jaylen Brown para sa pang-pitong dikit na arangkada ng Boston (44-12).

Humakot si center Ni­kola Vucevic ng 22 points at 14 rebounds sa pa­nig ng Chicago (26-30), habang may 20 at 19 markers sina Coby White at DeMar DeRozan, ayon sa pagkakasunod.

Mula sa 59-62 agwat sa halftime ay bumanat ang Celtics ng 10 sunod na puntos para 69-62 abante sa third period pa­tungo sa 72-86 bentahe mula sa triples nina Tatum at Sam Hauser.

Sa Oklahoma City, bu­­mitaw si Shai Gilge­ous-Alexander ng 31 points sa 129-107 paggu­po ng Thunder (38-17) sa Los Angeles Clippers (36-18).

Sa Dallas, naglista si Luka Doncic ng 41 points sa 123-113 panalo ng Mavericks (33-23) sa Phoenix Suns (33-23).

Sa Philadelphia, umiskor si Jalen Brunson ng 21 points sa 110-96 pag­da­ig ng New York Knicks (34-22) sa 76ers (32-23) at diniskaril ang debut ni guard Kyle Lowry.

vuukle comment

NBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with