^

PM Sports

Chameleons dinagit ng flying Titans

Russell Cadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines — Hinataw ng Choco Mucho ang unang panalo sa 2024 PVL All-Filipino Conference matapos paluhurin ang Nxled, 25-12, 25-22, 25-18, kahapon sa Filoil EcoOil Arena sa San Juan City.

Nagkadena si Sisi Rondina ng 17 points mula sa 16 attacks at 1 ace para sa Flying Titans habang may 12 si Kat Tolentino.

Tumipa si Ivy Lacsina ng 6 points sa kanyang debut para sa Chameleons.

“Sa ngayon siyempre, thankful ako sa naging performance namin. First set pa lang kami na ang nag-dikta ng tempo,” wika ni coach Dante Alinsunurin sa Choco Mucho na may 1-0 record kagaya ng PLDT, Petro Gazz at Chery Tiggo.

Isinuko ng Nxled ang first set, 12-25, bago lumaban sa second frame kung saan sila nakadikit sa 22-24.

Ang hataw ni Tolentino ang sumelyo sa panalo ng Flying Titans para sa 2-0 bentahe hanggang iwanan ang Chameleons sa 24-17 sa third set mula sa hataw ni Rondina.

 Sa unang laro, bu­manat si Savi Davison ng 19 points mula sa 16 attacks 2 blocks at 1 ace para pamunuan ang PLDT Home Fibr sa 25-22, 25-6, 25-9, paggupo sa Galeries Tower.

Umiskor si Jules Samonte ng 15 markers para sa High Speed Hitters at may 7 at tig-4 points sina Fiola Ceballos, Majoy Baron at Jessey De Leon, ayon sa pagkakasunod.

vuukle comment

VOLLEYBALL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with