^

PM Sports

Barroca, Aguilar babandera sa PBA All-Star Game

John Bryan Ulanday - Pang-masa

MANILA, Philippines — Magsisilbing kapitan sina Mark Barroca ng Magnolia at Japeth Aguilar ng Barangay Ginebra sa dalawang koponang magsasabong sa PBA All-Star Bacolod 2024 matapos makakuha ng pinakamaraming boto mula sa fans.

Bumandera sa botohan si Barroca habang sumegunda naman si Aguilar na siyang pipili ng kanilang mga players sa gaganaping All-Star draft bago ang mismong bakbakan sa susunod na buwan.

Si Aguilar na rin dati ang isa sa naging kapitan ng bagong All-Star Format ng PBA at nagwagi siya agad matapos ang 140-136 panalo kontra sa Team Scottie Thompson noong nakaraang edisyon sa Passi, Iloilo.

Gagabay sa dalawang teams sina Barangay Ginebra mentor at Gilas Pilipinas head coach Tim Cone kasama si Jorge Gallent ng bagong koronang Commissioner’s Cup champion na San Miguel Beer matapos ding manguna sa botohan para sa coaches.

Kumumpleto naman  sa Top 10 vote-getters  sina Thompson ng Ginebra, June Mar Fajardo ng San Miguel, Calvin Abueva ng Magnolia, Christian Standhardinger at Jamie Malonzo ng Gin Kings, dating All-Star MVP Paul Lee ng Hotshots, CJ Perez ng Beermen at Maverick Ahanmisi ng Ginebra.

Swak din sina Calvin Oftana ng Talk ‘N Text at Jayson Castro ng TNT,  Stanley Pringle at Nards Pinto ng Ginebra, Chris Newsome ng Meralco, Terrence Romeo at Marcio Lassiter ng SMB, Arvin Tolentino ng NorthPort, Jio Jalalon at Ian Sangalang ng Magnolia, Ro­bert Bolick ng NLEX, Ricci Rivero ng Phoenix Super LPG, Juami Tiongson ng Terrafirma at Gabe Norwood ng Rain or Shine.

Napili naman ng host na Bacolod City ang kababayang si James Yap ng Blackwater, tubong Escalante sa Negros Occidental, para mapasama sa All-Star habang coaches’ picks sina Jason Perkins at Tyler ng Phoenix, Don Trollano ng SMB at Cliff Hodge ng Meralco.

vuukle comment

PBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with