^

PM Sports

Agimat ni Gallent

POINT GUARD - Nelson Beltran - Pang-masa

Sa sports, kasama ang buwenas, suwerte o lucky charm.

Mayroon ding tinatawag na magaling na, buwenas pa.

At sinasabi rin na mas lapitin ng buwenas ang ma­gagaling.

Ikunsidera natin si nasirang Cris Bolado. Hindi ka­galingan pero buwenas na nanalo ng 11 PBA championships sa mga koponan ng Alaska, Purefoods, Barangay Ginebra at San Miguel Beer.

Nariyan din si Yancy de Ocampo, top draft pick pero sa mas mahabang panahon ng kanyang PBA career, eh pamalit lang. Nakasukbit siya ng 12 titles.

Mayroon ding “winners” na coaches.

Siyempre, mas madaling manalo kung maibigay sa iyo ang koponang buo na at binubuo pa ng high-caliber, talented players.

Pero mayroong mga coaches na talagang panalo kahit saan mo dalhin.

Numero uno si Baby Dalupan. Nariyan din si Turo Valenzona at Joel Banal, mga tanging coaches na humugot ng kampeonato sa lahat ng level ng Philippine basketball – NCAA, UAAP, MICAA o PABL at PBA.

Kakaiba ang kay Jorge Gallent – champion basketball player, champion coach at champion golfer.

Kahapon nagsimula ang kanyang debut sa PAL Seniors Interclub golf championships sa Cagayan de Oro, kasama sa koponan ng Southwoods.

Masama kaya ito sa kanyang winning streak?

Mabigat ang kanilang laban kontra Luisita at Canlubang, pero baka umubra para sa Southwoods ang agimat ni Gallent.

vuukle comment

PBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with