^

PM Sports

La Salle inilista ang ika-2 panalo

Nilda Moreno - Pang-masa
La Salle inilista ang ika-2 panalo
Diniskaril nina Arnie Provido at Alleiah Malaluan ng DLSU ang atake ni Christine Ubaldo ng FEU.
UAAP photo

MANILA, Philippines — Nagtulungan sina Angel Canino at Lyka De Leon upang akbayan ang defending champions De La Salle University Lady Spikers kontra Far Eastern University Lady Tamaraws, 25-20, 25-17, 25-22,  sa UAAP Season 86 women’s volleyball tournament kahapon sa Smart Araneta Coliseum.

Dominado ng Lady Spi­kers ang laro matapos ang magaang na three sets win upang ilista ang malinis na dalawang panalo at manatili sa tuktok ng liderato tangan ang 2-0 kartada.

Nahirang na Best Pla­yer of the Game si De Leon matapos magtala ng 16 excellent digs at 12 excellent receptions.

Tumikada naman si Ca­nino ng game-high 13 markers para sa La Salle.

Nasilayan ng mga volleyball fans ang bangis ng Lady Spikers kung saan nila winalis ang unang dalawang laban kasama ang Adamson Lady Falcons sa opening day.

Pero may mga kulang pa sa kanilang laro, ayon kay Canino.

“Actually, nakukula­ngan pa talaga kami sa effort. La­hat naman po ka­mi sa team nakukula­ngan pa po sa galaw namin, which means kailangan pa po naming mag-doble kayod sa training,” sabi ni Canino.

Nalasap ng Lady Ta­ma­raws ang unang talo sa dalawang laro.

Sunod makakalaban ng Lady Spikers ang mapanganib na University of Santo Tomas Golden Tigresses sa Linggo sa alas-4 ng hapon sa MOA Arena sa Pasay City.

 

vuukle comment

VOLLEYBALL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with