^

PM Sports

EJ nilundag ang gold sa Croatia meet

Chris Co - Pang-masa
EJ nilundag ang gold sa Croatia meet
EJ Obiena

MANILA, Philippines — Mainit agad si Ernest John Obiena nang angkinin ang gintong medalya sa Memorijal Josip Gas­parac sa Osijek, Croatia.

Ito ang unang torneo ni Obiena sa indoor event kung saan nagtala ang Asian Games gold meda­list at Asian record holder ng 5.83 metro sa kanyang unang attempt para masi­guro ang ginto.

Sinubukan ni Obiena na makuha ang 5.93m subalit bigo ito sa kanyang tatlong pagtatangka.

Gayunpaman, sapat na ang 5.83m para hablutin ang kanyang unang podium finish sa taong ito.

“Indoor season finally kicked off. 5.83m (clearance) for the win here at Osijek. Thank you for having us and putting on a great atmosphere,” ani Obiena sa kanyang social media post.

Unang sinubukan ni Obiena ang 5.51m na mabilis nitong nakuha.

Nilampasan na agad ni Obiena ang 5.51m at 5.68m at agad na tumulak sa 5.73m.

Nakuha ni Obiena ang naturang marka sa loob ng dalawang attempts.

Pinataob ni Obiena si Pedro Buaro ng Portugal (5.73m) para magkasya sa pilak na medalya, habang nakatanso naman si American Olen Tray Oates (5.61m).

 

vuukle comment

ERNEST JOHN OBIENA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with