^

PM Sports

JMF puntirya ang 2027 FIBA WC

Chris Co - Pang-masa

MANILA, Philippines — Hangad ni seven-time PBA Most Valuable Pla­yer June Mar Fajardo na makapaglaro sa ika-apat na sunod na edisyon ng FIBA World Cup sa 2027.

Si Fajardo ang pinakabeteranong miyembro ng Gilas Pilipinas kung saan tatlong beses na itong nasilayan sa FIBA World Cup.

Una noong 2014 na ginanap sa Seville, Spain kasunod noong 2019 sa Beijing, China at ang pinakahuli noong 2023 edisyon na ginanap sa Pilipinas.

Kaya naman nais ng 33-anyos miyembro ng San Miguel Beer na manatiling maganda ang kundisyon nito para makaabot sa 2027 edis-yon ng FIBA World Cup sa Doha, Qatar.

Para kay Fajardo, ma­laking karangalan na magsuot ng Gilas Pilipinas jersey at maging bahagi ng national team sa mga international tournaments.

“We will see if that happens but of course, if that happens, it’s going to be an honor and I’m happy to be playing at Gilas. Of course, I wish I could play in World Cup by then,” ani Fajardo.

Kasalukuyang nagpapahinga si Fajardo matapos magtamo ng injury sa Game 4 ng PBA Commissioner’s Cup finals sa pagitan ng San Miguel at Magnolia.

Kaya naman hindi ito makalalaro sa first window ng FIBA Asia Cup Qualifiers 2025 kung saan makakalaban ng Gilas Pilipinas ang Hong Kong at Chinese-Taipei.

Wala rin si AJ Edu sa lineup ng Gilas  na gaya ni Fajardo ay nagpapagaling pa sa injury.

vuukle comment

JUNE MAR FAJARDO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with