^

PM Sports

Astig tigasin sa 3YO Maiden race

Nilda Moreno - Pang-masa

MANILA, Philippines — Ipinakita ng Astig ang pagiging tigasin sa pista matapos angkinin ang korona sa 2024 PHILRACOM “3-Year-old Maiden Stakes Race” na nilarga sa Metro Turf, Malvar sa Tanauan City, Batangas noong Lunes ng hapon.

Pang-lima sa largahan ang Astig habang parang sibat na umarangkada sa unahan ang Matilda pagsalida ng aparato.

May apat na kabayo ang lamang ng Matilda sa pumapangalawang Spirit Of Might sa kalagitnaan ng karera habang nasa pangatlong puwesto ang Creation Of Adam.

Patuloy ang pagiging agresibo ng Matilda kaya nasa unahan pa rin ito sa far turn habang ang Astig ay kumukuha na ng tersero puwesto.

Pagsapit ng home turn ay umabot pa sa walong kabayo ang agwat ng Matilda sa mga humahabol pero malakas ang dating ng Authentikation at Astig na dumaan sa tabing balya.

Nangunguna ang Matilda sa rektahan, nasa bandang labas naman ang Authentikation habang ang Astig ay kumakayod sa balya.

Sa rektahan na nasaksihan ng mga karerista ang husay ng Astig, pagdating ng huling 25 metro ng karera ay inungusan na ng winning horse ang Matilda upang tawirin ang finish line ng may dalawang kabayo ang agwat.

vuukle comment

PHILRACOM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with