^

PM Sports

Pacquiao inirerespeto ang desisyon ng IOC

Chris Co - Pang-masa

MANILA, Philippines — Aminado si eight-division world champion Manny Pacquiao na nalungkot ito sa desisyon ng International Olympic Committee (IOC) na hindi aprubahan ang paglalaro nito sa Olympic Games.

Tinanggihan ng IOC ang kahilingan ng Philippine Olympic Committee (POC) na mabigyan ng slot si Pacquiao sa Paris Olympics.

Kaya naman hindi maitago ni Pacquiao ang kalungkutan dahil isa sa pangarap nito ang masila­yan sa aksyon at magwagi ng gintong medalya sa Olympics.

Ngunit walang magagawa ang Pinoy champion kundi ang tanggapin at ires­peto ang naging desisyon ng IOC.

“While I am very saddened and disappointed, I understand and accept the age-limit rules,” ayon sa statement ni Pacquiao.

Dalawang puntos ang naging dahilan ng IOC sa desisyon nito.

Una na ang pagiging overage ng 45-anyos na si Pacquiao kumpara sa age limit na 40-anyos para sa lahat ng nais maglaro sa Olympics.

Hindi rin maaaring bigyan ng awtomatikong puwesto ang Pilipinas sa ilalim ng Universality rule dahil ibinibigay lamang ito sa mga bansang may walong atleta pababa sa nakalipas na dalawang edisyon ng Olympics.

May average na 17 atleta ang Pilipinas sa 2016 Rio Games at 2020 Tokyo Olympics kaya’t awtomatiko itong diskwalipikado sa Universality rule.

vuukle comment

MANNY PACQUIAO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with