^

PM Sports

Takot matalo

POINT GUARD - Nelson Beltran - Pang-masa

Tama si Julius Erving, nasaan ang mga malala­king pangalan? Bakit wala sila sa NBA All-Star Dunk Contest?

Sa PBA, ito rin ang kadalasang kaso sa kanilang sariling All-Star Slam Dunk Competition.

Sa nakalipas na dunk contest sa NBA, nanatiling sultan of slams si Mac McClung, mainstay sa Osceola Magic sa NBA G League.

Sa palagay ni Erving, mas malayong nanaisin ng mga fans na makita sa kompetisyon ang mga big-name players gaya noong inaugural dunk contest na nakita sa 1976 ABA All Stars.

Kabakbakan noon ni Erving ang mga kapwa stars na sina Artis Gilmore, George Gervin, Larry Kenon at David Thompson.

Siyempre, nakita rin ang iconic duel nina Michael Jordan at Dominique Wilkins. Ganoon din ang paglipad sa ere ni Vince Carter.

“With all due respect to the guys who are in the dunk contest, the big names are in the 3-point shootout. The big names are in the skills competition,” ani Erving.

Kaso nga, iwas na sa labanan ang mga stars. At walang dudang isang dahilan ang pagkatakot na matalo.

Mukhang pareho ang kaso sa matagal na panahon sa PBA All-Star Weekend.

vuukle comment

NBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with