^

PM Sports

10th title ni JMF

POINT GUARD - Nelson Beltran - Pang-masa

Lalo pang dumistansya ang San Miguel Beer sa lahat ng mga kalaban matapos hugutin ang 29th championship via 4-2 conquest sa Magnolia sa kanilang PBA Commissioner’s Cup title showdown.

Isa pang kampeonato, sapol na nila ang 30-cham­pionship plateau, doble ng bilang ng trophies na tangan ng No. 2 Barangay Ginebra.

Katorse ang sa Alaska at Magnolia at trese naman ang sa Crispa.

Sampu sa 29 title ng mga Beermen eh, kanilang napanalunan sa June Mar Fajardo era, una noong 2014 Philippine Cup.

Kabilang sina Chris Ross at Marcio Lassiter sa mga panahon na ito, kaya kasama sila ni Fajardo na nasama sa PBA elite list of players na mayroon at least 10 championships each.

Bilang dominanteng champion player sa kanyang paglalaro sa Toyota, Tanduay at San Miguel, No. 1 sa listahan si Ramon Fernandez na mayroong 19 titles.

Labing-siyam na ang nasa roster, kasama sa Top 10 sina Freddie Hubalde (16), Abet Guidaben (16), Philip Cezar (15), Bernie Fabiosa (15), Atoy Co (14), Robert Jaworski (13), Johnny Abarrientos (12), Joe Devance (12) at Yancy de Ocampo (12).

Ang iba sa grupo eh, sina Cris Bolado (11), Rafi Reavis (11), Tito Varela (10), Bogs Adornado (10), Jojo Lastimosa (10) at Bong Hawkins (10).

Lalong kuminang ang resume ni Fajardo, siyempre kasama ang seven MVP awards, sangkaterbang BPC plums, iba pang individual awards at ang mahabang panahon na paglalaro sa national team.

At siyempre kasama ang mga ito sa diskusyon sa GOAT debate para sa mga panatiko ni June Mar.

vuukle comment

SAN MIGUEL BEER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with