^

PM Sports

Hello, Paris

POINT GUARD - Nelson Beltran - Pang-masa

Mula sa magnificent 19 sa Tokyo Games, ilan naman kaya ang bubuo ng Philippine contingent para sa 2024 Paris edition ng Olympics?

Apat ang nag-qualify na sa katauhan nina pole vaulter EJ Obiena, boxer Eumir Marcial at gymnasts Carlos Yulo at Aleah Finnegan.

At siguradong may karagdagan sa athletics at swimming dahil sa “universality rule.”

Siyempre, gusto nating maabot o lagpasan ang bi­lang ng mga lumaro para sa ating tri-colors noong nakaraang Olympics.

Kumpiyansa si weightlifting president Monico Puentevella na makakapagpasok sila ng magandang bilang sa Phl delegation.

At siyempre nariyan ang boxing team na nagpakita ng magandang prospect sa kanilang four-gold showing sa katatapos na Boxam Elite competition sa Alicante, Spain.

Makinang na top finish ang hinugot nina Nesthy Petecio, Rogen Ladon, Aira Villegas at Hergie Bacyadan.

At mangunguna ang apat na ito sa paghabol ng Olympic bets sa boxing world qualifiers na nakatakda sa Busto Arsizio, Italy mula Feb. 29 hanggang March 12 at sa Bangkok, Thailand mula May 23 hanggang June 3.

Mga boxers mula sa 23 bansa ang nakasagupa ng Phl boxers sa Alicante. Pero mas malayong mabigat na quantity at quality ang laban na haharapin nila sa world qualifiers.

Gayunpaman, buo ang loob at isipan ng mga Pinoy boxers na nakapag-prepara sila nang maayos at may solido silang tsansang marating ang Paris.

vuukle comment

PARIS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with