^

PM Sports

Positibo ang Phoenix

POINT GUARD - Nelson Beltran - Pang-masa

Na-delay lang o muli pang ma-de-delay?

Iyan eh patungkol sa inaasahan ng marami na pagsulong ng Magnolia Hotshots sa finals bilang top seed.

Inakala ng halos lahat na tapos na ang serye at sel­yado na ang finals berth para sa Magnolia nang hu­marurot si Tyler Bey at mga teammates sa 47-26 spread bago matapos ang first half.

Pero nakagawa ng malaking turnaround ang Phoenix sa second half at tumuloy sa 103-85 panalo na nagbigay daan para sa isa pang salpukan bukas sa MOA Arena.

Hindi bumigay at nagpakita ng malupet na karakter ang Phoenix, kaya naman may tsansa sila ngayon na dalhin ang serye sa do-or-die Game 5.

Sure ball na malaking morale-booster ang kanilang Game 3 win, na maaaring maging game-changer sa serye.

In the first place, pa­wang anybody’s game ang unang dalawang laro na sa huli eh, nasungkit ng Hotshots.

Determinado ang Mag­nolia na putulin ang ka­nilang six-year title drought, samantalang pur­sigido ang Phoenix na maabot ang bagay na hindi pa nila naaabot sa ka­nilang PBA participation.

Dalawang beses na silang nakarating sa semifinals. Talo kontra San Miguel, 1-4, noong 2019 Philippine Cup at talo rin sa TNT, 2-3, sa sumunod na All-Filipino tourney.

Kahit naghahabol, po­sitibo pa rin ang Phoenix sa tsansa na, finally, ma­abot na ang PBA finals.

vuukle comment

PHOENIX

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with