^

PM Sports

Del Rosario idinagdag ng Altas

Russel Cadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines — Matapos si Olsen Racela, isa pang Barangay Ginebra assistant coach ang hinugot ng University of Perpetual Help System DALTA para sa kanilang men’s basketball c­oaching staff.

Kinuha ng Altas si ve­teran Richard Del Rosario para makasama ni Racela sa bench sa darating nilang kampanya sa NCAA Season 100.

Sina Racela at Del Ro­sario ay mga alagad ni two-time PBA Grand Slam champion coach Tim Cone sa Gin Kings.

Makakatuwang ng 53-anyos na si Del Rosario sa kampo ng Perpetual sina Racela, assistant coach Myk Saguiguit at team manager Scottie Thompson ng Ginebra.

Minalas si Saguiguit na maipasok ang Altas sa Final Four ng nakaraang NCAA Season 99 na pinagharian ng San Beda Red Lions kontra sa Mapua Cardinals.

Hindi na bago si Del Rosario sa collegiate scene matapos gabayan ang College of St. Benilde Blazers noong 2009 hanggang 2012. 

vuukle comment

RICHARD DEL ROSARIO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with