^

PM Sports

WPBA 3X3

POINT GUARD - Nelson Beltran - Pang-masa

Pagkatapos ng mahabang panahon, muling may basketball activity na puwedeng habulin ang mga lady cagers pagkatapos ng kanilang collegiate playing years.

Ito ay ang WPBA Invitational 3x3 na umarangkada kahapon at magtatapos ngayong araw na ito sa Ayala Malls Makati Circuit.

Mas maganda kung may susulpot din na 5-on-5 event para mas sumigla pa ang Philippine women’s basketball at makatulong sa pagpapalakas ng programa ng Gilas women’s team.

Dahil malamlam ang sirkulong ito kung hanggang collegiate play lang ang malalaruan ng mga lady cagers at tengga na ang kanilang playing career pagkatapos ng collegiate eligibility nila.

At least naghatid ng bagong playing venue ang WPBA Invitational 3x3 – isang event na makakatulong din sa pagsasanay ng Gilas women.

In fact, dalawang Gilas teams ang bandera sa six-team field na kinapapalooban din ng Philippine Air Force, Philippine Navy-Go For-Gold, Angelis Resort at Uratex Dream.

Malamang umaasa si national coach Pat Aquino na yumabong ang women’s basketball gaya nang pag­yabong ng women’s volleyball.

Ang nakakatuwa, kahit maliit ang women’s basketball circle, hindi  nagpapahinga si Aquino at ang kanilang mga supporters/backers.

vuukle comment

LADY CAGERS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with