^

PM Sports

Kai Sotto maganda ang simula sa 2024

Chris Co - Pang-masa
Kai Sotto maganda ang simula sa 2024
Kai Sotto
https: / / twitter.com / magic orlando

MANILA, Philippines — Maganda ang bumu­ngad kay Kai Sotto sa pagsisimula ng taon.

Nakapaglaro nang muli si Kai Sotto sa Japan B.League matapos ang ilang buwan na pahinga.

At sa kanyang unang laro sa taong ito, isang panalo ang sumalubong sa 7-foot-3 Pinoy cager matapos tulungan ang Yokohama B-Corsairs na maitarak ang 100-95 panalo laban sa Toyama Grouses.

Sa naturang laro, nagparamdam agad ang Gilas Pilipinas standout matapos magtala ng siyam na puntos, limang rebounds, dalawang blocks at isang steal.

Naglaro lamang ng 13 minuto ang 21-anyos na si Sotto.

Kaya naman sinamantala niya ito kung saan nagtala ito ng matikas na 4-of-4 perpektong shoo­ting clip.

Magandang panalo ito para sa Yokohama na lumasap ng kabiguan sa Seahorses Mikawa, 89-72, noong Disyembre 31.

Nakatuwang ni Sotto sa panalo si Yuko Kawamura na nagtala ng 25 puntos at B.League record na 20 assists.

Gayunpaman, hindi sapat ang panalo ng Yoko-hama para umangat ito sa standings.

vuukle comment

KAI SOTTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with