^

PM Sports

Tapales na-shock sa bilis ni Inoue

Chris Co - Pang-masa
Tapales na-shock sa bilis ni Inoue
Si Marlon Tapales matapos matalo kay Japanese Naoya Inoue.
Kuha ni Wendell Alinea

MANILA, Philippines — Aminado si dating WBA at IBF super bantamweight champion Marlon Tapales na naram­daman niya nang husto ang bangis ni undisputed world champion Naoya Inoue sa kanilang laban no­ong Martes ng gabi sa Tokyo, Japan.

Bigo si Tapales na ma­kuha ang panalo matapos makalasap ng 10th round knockout loss sa WBC at WBO titlist na si Inoue upang maagaw ng Ja­pa­nese pug ang kanyang mga WBA at IBF belts.

Inihayag ni Tapales na nagulantang siya sa bilis at bagsik ni Inoue.

Maganda rin aniya ang naging teknik ng Japanese fighter sa buong panahon ng laban.

“I was impressed by Inoue’s technique as a bo­xer, and I was surprised by his speed,” ani Tapales.

Bumagsak ang rekord ni Tapales sa 37-4 tampok ang 19 KOs.

“He was very fast and I just wasn’t able to catch up with him,” dagdag pa ni Tapales.

Dahil sa panalo ay itinanghal si Inoue bilang ika­lawang boksingero sa buong mundo na nakuha ang apat na world titles sa dalawang magkaibang di­bisyon.

Una na itong nagawa ni American Terence Crawford.

“One year ago, I was in a similar situation after claiming all four belts. I wanted to show my appre­ciation to all the people who had supported my ca­reer,” ani Inoue.

Handa si Inoue na lu­ma­ban upang mai­pag­patuloy ang kanyang magandang karera.

“But regardless of the fact that I have these four belts, I still want to fight more great matches,” dagdag ni Inoue.

Hindi rin naging mada­li ang panalo kay Inoue.

Nahirapan din ito kay Tapales na itinuturing nitong isa sa mga mahuhusay na kaniyang nakalaban.

“He kept a poker face throughout and didn’t show that my punches were doing him any da­mage, so I was quite surprised when he went down in the tenth round,” ani Inoue.

vuukle comment

WBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with