^

PM Sports

Chery Tiggo gugulatin ang Creamline sa semis

Chris Co - Pang-masa

MANILA, Philippines — Sasambulat ang best-of-three semifinals ngayong araw tampok ang apat na ko­ponang magtatagisan para sa dalawang tiket sa finals ng Premier Volleyball League (PV) Second All-Filipino Conference.

Magtutuos ang defen­ding champion Creamline at Chery Tiggo sa alas-4 ng hapon, habang lalarga ang sariling engkuwentro ng Cho­co Mucho at Cignal sa alas-6 ng gabi sa Philsports Arena sa Pasig City.

Nakatutok ang lahat sa Cool Smashers na nakasakay sa 11-0 run.

“Iyong goal is mas mataas pa sa eliminations. But we need to work hard,” wika ni Creamline coach Sherwin Me­neses.

Mangunguna sa ratsada ng Cool Smashers sina team captain Alyssa Valdez, Tots Carlos, Jema Galanza at Michele Gumabao kasama sina middle blockers Jeanette Pa­naga at Risa Sato.

Mapapalaban ang Cool Smashers sa Crossovers na may matinik ding lineup.

Mangunguna para sa Crossovers si outside hitter Eya Laure kasama si opposite spiker Mylene Paat.

Nariyan pa sina Ces Robles, EJ Laure, Cza Carandang, Pauline Gaston at Sha­ya Adorador.

Nais ng Cool Smashers na makabawi sa Crossovers na siyang tumalo sa kanila sa finals ng Open Conference noong 2021 sa Ilocos Norte.

Sa kabilang banda, inaa­ba­ngan na rin ang banggaan ng Flying Titans at HD Spi­kers sa semis series.

 

vuukle comment

CHERY TIGGO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with