^

PM Sports

La Salle humihinga pa

Nilda Moreno - Pang-masa
La Salle humihinga pa
Lumipad si UAAP MVP Kevin Quiambao ng La Salle para sa kanyang dunk kontra sa UP.
Kuha ni Jun Mendoza

Pumuwersa ng Game 3

MANILA, Philippines — Nakahirit ng do-or-die game ang De La Salle University matapos nilang panain ang 82-60 panalo kontra University of the Philippines sa Game 2 ng UAAP Season 86 men’s basketball tournament na nilaro sa Araneta Coliseum kagabi.

Pinamunuan ni Francis Escandor ang opensa para sa Taft-based squad, matapos magtala ng 14 points subalit si Evan Nelle ang nahirang na Best Player of the Game sa tinikadang apat na puntos, 12 rebounds, 10 assists at limang steals.

Agresibo ang Fighting Maroons sa unang quarter matapos hawakan ang tatlong puntos na bentahe 27-24.

Subalit naging matatag ang Green Archers sa se­cond canto, inagaw nila ang bentahe, 44-38 sa halftime.

Ginanahan ang DLSU sa third, uminit ang opensa matapos magpaulan ng tres para palobohin ang kanilang lamang sa 16 na puntos, 65-49 papasok ng fourth period.

Sa payoff period ay sini­gurado ng Green Archers ang laban, sinabayan na lamang nila sa opensa ang Fighting Maroons upang manatili sa asam na masilo ang korona.

Tumikada sina CJ Cansino at Malick Diouf ng tig-11 points para sa Fighting Maroons na susubok muli sa hangad nilang kampeonato sa Miyerkules.

Samantala, nakaukit na ang pangalan ni Kevin Quiambao sa history ng De La Salle Univerity sa mga naging Most Valuable Player, (MVP) sa UAAP.

Ito’y matapos na pormal na mahirang na Season MVP kahapon bago magsimula ang Game 2.

Nag-average ang 6-foot-4 na si Quiambao ng 16.71 points, 10.86 rebounds, 6.0 assists, at 1.93 steals per game sa elimination round at makakuha ng 97.0 statistical points.

vuukle comment

UAAP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with