^

PM Sports

Pampanga kampeon sa MPBL

John Bryan Ulanday - Pang-masa

MANILA, Philippines — Hari na sa wakas ng Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) ang Pampanga Giant Lanterns matapos kaldagin ang Bacoor Strikers sa 3-0 sweep ng national finals kamakalawa ng gabi sa Strike Gym sa Cavite.

Naitakas ng Giant Lanterns ang dikit na 82-77 panalo sa Game 3 upang makumpleto ang pagwalis sa best-of-three series at ipagdiwang ang kampeonato nito sa homecourt ng Strikers

Perpekto ang naging kampanya ng Pampanga sa buong playoffs simula nang pagharian ang North Division nang walisin din ang Marikina, Caloocan at San Juan upang makaabante sa national finals kontra sa South Division champion na Bacoor.

Dito, hindi na nagpaawat ang Pampanga sa pa­ngunguna nina Encho Serrano at Archie Concepcion, na bahagi ng Mythical Second Team, na nagsalo sa panapos na 34-24 ratsada nila.

Humakot din ng 11 puntos, 19 rebounds, 5 assists, 3 steals at 1 tapal ang MVP na si Justine Baltazar habang may 13 at 9 puntos sina Kurt Reyson at Michael John Garcia, ayon sa pagkakasunod.

vuukle comment

MAHARLIKA PILIPINAS BASKETBALL LEAGUE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with