^

PM Sports

Creamline, Chery Tiggo magtutuos

Chris Co - Pang-masa

MANILA, Philippines — Asahan ang matinding pukpukan sa pagtutuos ng defending champion Creamline at Chery Tiggo sa Premier Volleyball League (PVL) Second  All-Filipino Conference ngayong araw sa Philsports Arena sa Pasig City.

Nakatakda ang engkuwentro ng Cool Smashers at Crossovers sa alas-6 ng gabi matapos ang banggaan ng Farm Fresh at Galeries sa alas-2 ng hapon at ng Choco Mucho at Gerflor sa alas-4.

Nakasisiguro na ng tiket sa semis ang Creamline na may malinis na 8-0 marka at ang Chery Tiggo at Choco Mucho na may parehong 8-1 kartada.

Ngunit walang balak magpakampante ang tatlong tropa dahil nais ng mga ito na madala ang magandang momento sa Final Four.

Kaya naman asahan pa rin ang matinding bakbakan sa pagitan ng Creamline at Chery Tiggo na maglalatag ng malakas na puwersa.

Namamayagpag ang Cool Smashers na wala pa ring talo sa walong laro.

Ngunit iginiit ni Cream­line skipper at multi-titled Alyssa Valdez na marami pa ring dapat ayusin sa kanilang tropa.

Makakasama nito sa atake sina Michele Gumabao Jema Galanza at Tots Carlos habang susuporta sina middle blockers Risa Sato at Jeanette Panaga.

 

vuukle comment

CHERY TIGGO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with