Bulldogs pinapak ang Warriors

MANILA, Philippines — Kumayod si Omar John ng 12 points at 10 re­bounds para akbayan ang National University Bulldogs sa 68-49 panalo kontra sa University of the East sa UAAP Season 86 men’s basketball tournament kahapon sa MOA Arena.

Tumikada rin sina Jake Figueroa at PJ Pala­cielo ng tig-12 markers sakmalin ng Bulldogs ang pangatlong sunod na panalo at ilista ang 5-1 karta.

Kuntento si NU head coach Jeff Napa sa ipina­kitang tikas ng kanyang mga bataan matapos maghabol sa first canto, 19-21, ay bumalikwas ang Bulldogs sa second quarter upang agawin ang 31-25 halftime lead.

Laglag ang Red Warriors sa 2-4.

Samantala, minasaker ng nagdedepensang Ateneo de Manila University ang University of Santo Tomas, 97-77.

May 3-3 record ang Blue Eagles, habang may 0-6 marka ang Growling Tigers.

Sa ikatlong laro, pi­na­­­dapa ng Far Easter Uni­versity ang Adamson University, 49-46, tampok ang 13 points ni L-Jay Gonzales.

Pinaganda ng Tamarawas ang baraha sa 2-4.

 

Show comments