^

PM Sports

Diaz taas noo pa rin

Chris Co - Pang-masa

MANILA, Philippines — Bigo si Tokyo Olympics gold medalist Hidilyn Diaz na makapag-uwi ng medalya sa 19th Asian Games na ginaganap sa Hangzhou, China.

Hindi pinalad na makapasok sa podium si Diaz sa women’s 59 kg weight class kung saan nasa ikaapat na puwesto lamang ito.

Ito ang bagong weight class ni Diaz na siya ring magiging event nito  sa Paris Olympics.

“The experience was priceless and the preparation for 3 weeks after my debut in a new weight class at the World Championships in Riyadh for me has improved,” ani Diaz.

Malaking karangalan para kay Diaz na katawanin ang bansa sa mga international competitions at makapagbigay ng karangalan sa sambayanang Pilipino.

“I may have missed bringing a medal for the Phi­lippines at the #AsianGames, but to represent our country means so much to me,” wika ni Diaz sa kanyang post sa social media.

Hindi man naka-medal, masaya pa rin si Diaz sa performance nito.

At magandang ex­perience ito para sa kanyang paghahanda para sa Paris Olympics.

“I was able to try to lift 100 kilograms (snatch) and 131 kg (clean and jerk), and though I didn’t hit it in Hangzhou, I’m still pleased with the outcome,” ani Diaz.

Nagpasalamat si Diaz sa lahat ng sumuporta sa kanya partikular na ang Team HD na pinangungunahan ng kanyang husband-coach na si Julius Naranjo.

Desidido si Diaz na makaresbak sa 2024 Paris Olympics kung saan pakay nitong muling makasungkit ng gintong medalya. 

vuukle comment

HIDILYN DIAZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with