^

PM Sports

Clarkson pinuri ang mga Gilas teammates

Russell Cadayona - Pang-masa
Clarkson pinuri ang mga Gilas teammates
Si Fil-Am Jordan Clarkson kasama ang Gilas teammates bago ang kanilang laban kontra sa Italy.
Jun Mendoza

MANILA, Philippines — Wala nang mahihiling pa si Fil-American guard Jordan Clarkson sa kanyang mga Gilas Pilipinas teammates sa kabila ng 0-3 pagtatapos sa Group A pool play ng 2023 FIBA World Cup.

Ayon sa 2021 NBA Sixth Man of the Year awardee, ibinigay ng kanyang mga kakampi ang lahat ng kanilang makakaya sa 81-87 kabiguan sa World No. 23 Dominican Republic, 70-80 pagkatalo sa No. 41 Angola at 83-90 pagtiklop sa No. 10 Italy.

“It was a tough game but I think we competed,” ani Clarkson. “I think we competed in all three games. We came out here and gave our best effort. We are trying to figure out these games and get wins.”

Tumapos ang 31-an­yos na si Clarkson na may 23 points, 7 rebounds, 6 assists at 1 steal laban sa Italy.

“We fight, we haven’t given up throughout the whole game. Basketball is a game of missed shots and ups and downs. We string together runs, we fight to the end of the horn,” sabi ni Clarkson.

Ang No. 40 Pilipinas ang unang host team na nagtala ng 0-3 kartada sa group phase matapos ang Colombia noong 1982.

Ito naman ang pang-limang sunod na panalo ng mga Italians sa mga Pinoy cagers sa anim na beses nilang bakbakan kasama ang 108-62 pa-nalo sa first round ng 2019 World Cup.

Ang tatlong kamalasan ang naglaglag sa Nationals sa classification round para sa No. 17 hanggang 32 seat kung saan sila may tsansa pa ring makuha ang tiket sa 204 Olympic Games sa Paris, France.

 

vuukle comment

GILAS PILIPINAS

JORDAN CLARKSON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with