^

PM Sports

Belen, Canino magkaibigan sa labas ng court

Chris Co - Pang-masa

MANILA, Philippines — Hindi totoo na may ali­tan sina Season 84 Rookie-MVP Bella Belen ng National University at Season 85 Rookie-MVP Angel Canino ng De La Salle University.

Mismong si Belen na ang naglinaw sa mga ali­ngas­ngas sa social media matapos ang Game 2 ng UAAP Season 85 women’s volleyball championship series noong Linggo sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Matamis na nasikwat ng La Salle ang 2-0 sweep kontra sa NU sa best-of-three finals para matamis na maibaik sa kanilang teritoryo ang kampeonato.

Madalas na nakikita ang swag nina Belen at Canino sa isa’t isa.

Kaya naman usap-usapan ng mga netizens ang rivalry sa dalawang mahusay na players.

Subalit pinabulaanan ito ni Belen.

Nilinaw ni Belen na magkaibigan sila ni Canino.

Bahagi lamang ng laro ang swag upang mapataas ng mga players ang kumpiyansa nito.

“I think yung mga gumagawa lang naman ng mga yun is yung mga fans. Kasi part naman po siya ng game, parang iniisip nila magkaaway or what pero sa labas naman po ng game magkakaibigan naman po talaga kami,” ani Belen.

Ganito rin ang pananaw ni Canino.

Nauna nang sinabi ni Canino na magkakalaban sila sa loob ng court ngunit magkakaibigan ito sa labas.

“Laro lang pero sa labas ng court, magkakaibigan po kami,” ani Canino.

Saludo rin si Belen kay Canino na humakot ng tatlong awards — ang Rookie of the Year, Season MVP at Second Best Outside Hitter.

vuukle comment

ANGEL CANINO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with