^

PM Sports

Nambatac naglaro din sa ligang labas

Chris Co - Pang-masa

MANILA, Philippines — Sumama na rin sa lis­ta­han si shooting guard Rey Nambatac sa mga napatawan ng parusa dahil sa paglalaro sa ligang labas.

Pinagmulta ng Rain or Shine si Nambatac ng katumbas ng dalawang araw na suweldo nito.

Napag-alaman ng Elasto Painters management ang paglalaro ni Nam­batac matapos magpadala ng larawan ang isang netizen sa paglalaro nito sa exhibition game sa Davao.

Si assistant team ma­nager Jireh Ibanes ang na­katanggap ng larawan no­ong Martes.

“May nagpadala ng picture ni Rey kay Jireh then inireport sa akin ni Jireh kaya ipinatawag sa opisina si Nambatac,” ani ROS team governor Atty. Mamerto Mondragon.

Agad namang nagtu­ngo si Nambatac sa opisina ni Mondragon at inamin ang nagawa nitong pagkakamali.

“Inamin naman niya. Ini-report ko na rin sa PBA pero nauna na iyong action namin sa team. Ang lalaki ng mga suwel­do nila at hindi naman din kami nagkulang sa pa­alala,” ani Mondragon.

Una nang pinagmulta si slotman Beau Belga na naglaro sa ligang labas sa Cebu.

vuukle comment

REY NAMBATAC

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with