Bulls kinuha si Beverley; Hawks sinibak ang coach

CHICAGO — Pinapirma kahapon ng Bulls si veteran point guard Patrick Beverley kasabay ng pagkawala ni point guard Lonzo Ball sa season dahil sa problema sa kanyang inoperang kaliwang tuhod.

Ang tubong Chicago na si Beverley, huling naglaro sa Los Angeles Lakers, ay isang three-time All-NBA Defensive Team selection.

Nagposte siya ng mga averages na 8.7 points, 4.2 rebounds at 3.4 assists sa 11 seasons sa paglalaro para sa Houston Rockets, L.A. Clippers, Minnesota Timberwolves at Lakers.

Dinala si Beverley ng Lakers sa Orlando Magic na binitawan naman siya.

Nahulog ang Bulls sa anim na sunod na kamalasan para umupo sa No. 11 spot sa Eastern Conference mula sa kanilang 26-33 win-loss record.

Samantala, sinibak ng Atlanta Hawks si coach Nate McMillan dahil sa 29-30 baraha ng koponan.

Tinapik ng Hawks si assistant coach Joe Prunty bilang interim head coach.

Show comments