Japeth nangunguna sa All-Star voting
MANILA, Philippines — Umarangkada sa unang puwesto si Barangay Ginebra big man Japeth Aguilar sa PBA All-Star voting.
Naungusan ni Aguilar si dating No. 1 June Mar Fajardo ng San Miguel Beer na nalaglag sa ikatlong puwesto.
Umani ang 6-foot-9 center na si Aguilar ng 190,273 boto mula sa fans para umangat sa kanyang puwesto. Dati itong nasa ikatlong posisyon.
Nanatili naman sa ikalawang puwesto si reigning PBA MVP Scottie Thompson ng Gin Kings na may 186,187 votes habang bagsak sa No. 3 spot si Fajardo na may 183,903 votes.
Ikaapat si Jamie Malonzo ng Gin Kings tangan ang 174,112 votes habang ikalima si Calvin Abueva ng Magnolia Hotshots na may 172,383 votes.
Umangat din si Rain or Shine rookie Gian Mamuyac na nasa ikaanim na puwesto matapos umani ng 170,359 votes.
Pasok sa No. 7 si two-time MVP James Yap na may 170,313 votes kasunod sina Christian Standhardinger ng Ginebra (169,718), CJ Perez ng Beermen(169,036) at LA Tenorio ng Gin Kings (166,317).
Matatapos ang botohan sa Pebrero 15.
Ang Top 24 matapos ang botohan ang maglalaro sa All-Star weekend sa Marso 9 hanggang 12 sa Passi City, Iloilo.
Ang iba pang nasa Top 24 ay sina Stanley Pringle (163,595), Paul Lee (156,482), Jayson Castro (155,800), Terrence Romeo (155,651), Robert Bolick (150,241), Mark Barroca (147,995), Jeremiah Gray (146,966), Marcio Lassiter (145,335), Roger Pogoy (145,274), Arvin Tolentino (144,439), Chris Newsome (144,422), Mikey Williams (142,810), Kevin Alas (137,626) at Gabe Norwood (137,445).
Nangunguna naman sa coaches sina Tim Cone (224,430) at Yeng Guiao (208,429) kasunod sina PBA rookie coach Aldin Ayo (142,155) at Chito Victolero (129,590).
- Latest