^

PM Sports

Giannis umiskor ng 54 pts kontra sa Clippers

Pang-masa

MILWAUKEE — Inis­kor ni Giannis Anteto­kounmpo ang 20 sa kanyang 54 points sa fourth quarter para banderahan ang Bucks sa 106-105 pagtakas sa Los Angeles Clippers.

Bumalikwas ang Milwaukee (35-17) mula sa 21-point deficit para du­mi­retso sa kanilang ika­a­nim na sunod na panalo.

Pinamunuan ni Norman Powell ang Los An­ge­les (29-26) sa kanyang 26 points, habang may 17 at tig-16 markers sina Kawhi Leonard, Marcus Morris at Paul George, ayon sa pagkakasunod.

Ipinasok ni Anteto­kounmpo ang dalawang free throws sa huling 1:47 minuto ng fourth period para sa 106-105 abante ng Bucks.

Mintis naman ang 12-footer ni Leonard at ka­pos ang tangkang tres ni George sa sumunod na dalawang posesyon ng Clippers.

Naagaw ni George ang bola kay Milwaukee guard Jrue Holiday kasunod ang timeout ng Los Angeles sa natitirang 27.1 segundo.

Minalas si Leonard na maipasok ang dalawa niyang jumper para sa Clippers.

Sa Indianapolis, nagposte si LeBron James ng 26 points sa 112-111 pagdaig ng Lakers (25-28) sa Indiana Pacers (24-29).

May 63 points ang agwat ni James para burahin ang career scoring record na 38,387 points ni NBA great Kareem Abdul Jabbar.

Sa Denver, tumipa si Jamal Murray ng 33 points at inilista ni Nikola Jokic ang kanyang ika-17 triple-double sa season sa 134-117 pagbugbog ng Nuggets (36-16) sa nag­dedepensang Golden State Warriors (26-26).

Sa Cleveland, humataw si Darius Garland ng 32 points para sa 128-113 paggupo ng Cavaliers (32-22) sa Memphis Grizzlies (32-20).

Sa Dallas, nagtala si Lu­ka Doncic ng 31 points bago mawala sa third pe­riod sa 111-106 pa­nalo ng Mavericks (28-25) sa Pelicans (26-27).

vuukle comment

GIANNIS ANTETO­KOUNMPO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with