Pinoy fighters palaban sa Koreans
MANILA, Philippines — Wapakels ang Pinoy MMA fighters sa bentaheng tanggkad ng mga South Koreans sa paghaharap nila sa 3 versus 3 Universal Reality Combat Championship (URCC) 81, ngayong gabi na gaganapin sa Okada Manila sa Parañaque City.
Panargo ng Pilipinas sina Sugar Ray “Mammoth” Estroso, Caloy “The Bad Boy” Baduria at Boss Bullet Manlilic para makipagbugbugan sa mas matatanggkad na sina Jeong Minhun, Choi Wontae at Jeon Youngjun.
“Anything can happen inside the cage,” ani ng 5-foot-6 na si Estroso. “Once we hit them with punches, they will experience how tough Filipinos are. We never backdown to any challenges or fights.”
Maliban sa nasabing laban, maghaharap din sina Arvin Chan at Will Chope para mas maging masaya ang MMA fans
- Latest