^

PM Sports

E-Painters sinibak ang Road Warriors

Nilda Moreno - Pang-masa
E-Painters sinibak ang Road Warriors
Nailusot ni Andrei Caracut ng Rain or Shine ang kanyang tira laban sa NLEX players.
PBA Image

MANILA, Philippines — Inangkin ng Rain or Shine Elasto Painters ang No. 8 spot matapos patalsikin ang NLEX Road Warriors, 110-100 sa knockout playoff ng PBA Commissioner’s Cup na nilaro sa PhilSports Arena sa Pasig City, kagabi.

Inaasahang mapapalaban ng todo ang Elasto Painters sa quarterfinals dahil makakatapat nila ang top seed Bay Area Dragons na may tangan na twice-to-beat advantage.

Kumana si Ryan Pearson ng 24 points, siyam na rebounds at tatlong assists para akbayan ang RoS sa susunod na phase at manatiling may tsansa sa inaasam na titulo.

Maagang nagparamdam ng lakas ang Elasto Painters matapos nilang hawakan ang nine-point lead, 51-43 sa halftime.

Nasa ibabaw pa rin ang E-Painters sa pagtatapos ng third canto, 80-75 pero nasa limang puntos na lang ang kanilang lamang.

Sa payoff period ay muling uminit ang opensa ng E-Painters para makuha ang matamis na panalo.

Nanguna sa opensa para sa Road Warriors si Earl Clark na may tinikadang 37 points, 16 rebounds at limang assists.

Parehong may tig 5-7 karta ang Rain or Shine at NLEX sa pagtatapos ng single-round-robin eliminations kaya nagkaroon sila ng playoff.

Ang pagkakasunod mula sa unang pitong slots ay ang Bay Area, Magnolia Hotshots, Barangay Ginebra, Converge FiberXers, San Miguel Beer, NorthPort Batang Pier at Phoenix Super LPG FuelMasters.

 

PBA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with