^

PM Sports

Lady Archers kakasa sa Lady Bulldogs sa UAAP Finals

John Bryan Ulanday - Pang-masa

Semis cast kinumpleto ng Falcons

MANILA, Philippines — Pinagpag ng La Salle ang University of Santo Tomas, 74-69, sa knockout Final Four duel upang panain ang huling finals ticket kontra sa National U sa UAAP Season 85 women’s basketball tournament kagabi sa Mall of Asia Arena.

Bumandera sa Lady Archers si Fina Niantcho Tchuido na may 18 points, 12 rebounds, 2 steals at 2 blocks habang may 17, 16 at 12 markers din ang triple guard combo nina Bettina Binaohan, Charmine Torres at Lee Sario, ayon sa pagkakasunod.

Matamis na higanti ito ng La Salle matapos yumukod sa Game 1, 68-57, upang masulit pa rin ang twice-to-beat advantage nito bilang No. 2 team kontra sa No. 3 UST.

Higit dito, nasungkit ng Lady Archers ang pagkakataon na mapatalsik sa trono ang six-time reigning champion NU na umabante agad sa finals matapos dikdikan ang No. 4 na Ateneo, 83-64.

Matatandaang La Salle ang huling naging reyna ng UAAP noong 2013 nang umiskor ng 2-1 finals win kontra sa NU, na hindi naawat buhat noon tungo sa anim na sunod na kampeonato para sa pambihirang UAAP dynasty.

Sa men’s basketball, pumukol ng 22 puntos at 6 assists si Jerom Lastimosa upang bitbitin sa Final Four ang Adamson matapos ang dikit na 80-76 comeback win kontra sa La Salle.

Nag-ambag ng 13, 11 at 10 markers sina Joshua Yerro, Ap Manlapaz at Lenda Dounga, ayon sa pagkakasunod, para sa Soaring Falcons na diniskaril ang sana’y Ateneo-La Salle semis showdown.

Makikilatis ngayon ang Adamson kontra sa No. 1 na Ateneo para sa kanilang unang semis appearance simula 2018 habang magpapangbuno sa kabilang bracket ang reigning champion na UP at NU.

 

UAAP

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with