^

PM Sports

Durant gumana sa panalo ng Nets sa Magic

Pang-masa
Durant gumana sa panalo ng Nets sa Magic
Inatake ni Kevin Durant ng Nets ang depensa ni Franz Wagner ng Magic.

NEW YORK — Naghulog si Kevin Durant ng sea­son-high na 45 points bukod sa 7  rebounds at 5 assists para buhatin ang Brooklyn Nets sa 109-102 panalo sa Orlando Magic.

Kumonekta ang 12-time All-Star ng magandang 19-of-24 field goal shooting para sa 11-11 baraha ng Nets at inilaglag ang Magic sa 5-16.

Nag-ambag si Kyrie Irving ng 20 points at humakot si Nic Claxton ng 17 points at 13 rebounds para sa Brooklyn na kinuha ang 87-76 abante papasok sa fourth period matapos ang 60-60 pagtabla sa Orlando.

Ang free throw at slam dunk ni Claxton ang sumelyo sa panalo ng Nets makaraang makadikit ang Magic sa 102-106 sa huling 1:01 minuto ng laro.

Sa New Orleans, kumabig si Zion Williamson ng 23 points sa 105-101 pagdaig ng Pelicans (12-8) sa Oklahoma City Thunder (8-13).

Sa Toronto, humakot si Pascal Siakam ng 18 points at 11 rebounds sa 100-88 pagpapatumba ng Raptors (11-9) sa Cleveland Cavaliers (13-8).

Sa Boston, nagsalpak si Jayson Tatum ng 35 markers sa 140-105 pagmasaker ng Celtics (17-4) sa Charlotte Hornets (6-15).

Sa Washington, nag­pasabog si Kristaps Por­zingis ng career-high na 41 points sa 142-127 demolisyon ng Wizards (11-10) sa Minnesota Timberwolves (10-11).

KEVIN DURANT

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with