^

PM Sports

Warriors iniligwak ang Jazz

Pang-masa
Warriors iniligwak ang Jazz
Iniwanan ni Warriors star Stephen Curry si Nickeil Alexander-Walker ng Jazz para sa kanyang layup.

SAN FRANCISCO —  Nagsalpak si Stephen Curry ng 33 points tampok ang anim na three-pointers para banderahan ang nagdedepensang Golden State Warriors sa 129-118 pagdaig sa Utah Jazz.

Kumonekta din si Klay Thompson ng anim na triples para tumapos na may 20 markers kagaya ni Andrew Wiggins at may 19 points si  Jordan Poole para sa 10-10 record ng Warriors.

Umiskor si Lauri Markkanen ng 24 points para sa Jazz (12-9) na nakahugot kina Fil-Am Jordan Clarkson at Kelly Olynyk ng tig-21 markers.

Sa San Antonio, nagtala si Anthony Davis ng 25 points at 15 rebounds at nagdagdag si LeBron James ng 21 markers sa 105-94 panalo ng Los Angeles Lakers (6-11) sa Spurs (6-14).

Sa Phoenix, humakot si Deandre Ayton ng season-high na 28 points at 12 rebounds sa 108-102 pagsunog ng Suns (12-6) sa Detroit Pistons (5-16).

Sa Oklahoma City, kumamada si Shai Gilgeous-Alexander ng 30 points sa 123-119 pagtakas ng Thunder (8-11) sa Chicago Bulls (8-110.

STEPHEN CURRY

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with