^

PM Sports

Heavy Bombers ginulat ang Pirates

Chris Co - Pang-masa

MANILA, Philippines — Ayaw paawat ng Jose Rizal University matapos gulantangin ang Lyceum of the Philippines University, 63-57, upang sumosyo sa No. 2 spot kahapon sa NCAA Season 98 men’s basketball tournament sa The Arena sa San Juan City.

Mainit ang palad ni Marwin Dionisio na tumi­pa ng 15 points at 10 re­bounds para hatakin ang Heavy Bombers sa ika-limang panalo sa pitong laro.

Humataw pa sina William Sy at John Amores ng pinagsamang 18 mar­kers para sa Jose Rizal.

Natuldukan ang winning streak ng Pirates na nahulog sa parehong 5-2 kartada.

Nagtala si JM Bravo ng 11 points at nag­lis­ta sina James Barba, Mc­Laude Guadana at Alvin Penafiel ng 9 at 7 mar­kers, ayon sa pagkakasunod, sa panig ng Pirates.

Sa unang laro, inilam­paso ng San Beda University ang Arellano University, 96-61.

Bida sina JB Bahio at James Kwekuteye na umiskor ng tig-13 points upang pamunuan ang Red Lions sa pang-limang panalo sa pitong laro.

Magandang resbak ito para sa San Beda na nagmula sa 80-83 kabigu­an sa Jose Rizal Heavy Bombers.

“I can say naging over­confident tapos we didn’t respect our oppo­nent,” ani rookie head coach Yuri Escueta.

NCAA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with