^

PM Sports

Manila City may pabaon kay Obiena

Russell Cadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines — Bago siya bumalik sa training camp sa Formia, Italy ay may pabaon ang Lungsod ng Maynila kay World No. 3 pole vaulter Ernest John Obiena.

Binigyan ni Manila City Mayor Honey Lacuna-Pangan si Obiena ng P300,000 para sa kanyang gastusin sa mga lalahukan niyang mga international tournaments.

“Hindi natin masukat ang karangalan na dinala ni EJ sa ating bansa, lalung-lalo na sa Lungsod ng Maynila,” sabi ng Mayora sa tubong Tondo na si O­biena na nag-aral sa Chiang Kai Shek College sa high school at sa University of Santo Tomas sa college.

Pinarangalan din ng Manila City si Obiena sa pamamagitan ng pag-iisyu ng apat na resolusyon.

Ito ay para sa panalo ng 6-foot-2 Pinoy pole vaulter sa 2021 Southeast Asian, 2021 Golden Roof Challenge, 2022 World Athletics Championship at sa 2022 Gala dei Castelli.

Si Obiena ang kauna-unahang Pinoy athlete na nanalo ng medalya sa world meet nang kunin ang bronze medal mula sa bagong itinalang Philippine at Asian record na 5.94 meters sa Eugene, Oregon noong Hulyo.

Sa kanyang 17 podium finishes ay 12 golds ang inangkin ni Obiena kasama ang pagsapaw kay World No. 1 at Olympics champion Armand Duplantis ng Sweden sa Brussels Leg ng Diamond Series noong Setyembre  3.

ERNEST JOHN OBIENA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with