^

PM Sports

Gray atat maglaro para sa Ginebra

Russell Cadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines — Matapos si forward Jamie Malonzo ay si Fil-Am guard Jeremiah Gray naman ang hihintayin ng mga Barangay Ginebra fans na makita sa 2022 PBA Commissioner’s Cup.

Nagkaroon ang 6-foot-5 na si Gray ng ACL injury noong nakaraang taon habang naglalaro para sa TNT Tropang Giga sa PBA 3x3 tournament at ngayon ay sumasailalim sa strength and conditioning process.

Sa 99-91 panalo ng Gin Kings laban sa Meralco Bolts noong Linggo ay nakasuot na si Gray ng jersey ng Ginebra.

“He wants to play really badly. He was telling everybody he wants to be in the lineup,” wika ni coach Tim Cone sa PBA Season 47 No. 2 overall draft pick na kanilang nahugot mula sa Terrafirma kapalit nina Javi Gomez de Liaño at Brian Enriquez sa isang trade.

Posibleng sa susunod na linggo ay maipakita na ng 25-anyos na si Gray ang kanyang talento.

“It could be another week, it could be another two weeks, but we’re not sure,” ani Cone.

“But he’s back to practice, he’s doing the most normal stuff that everybody else does. We try to be a little bit more careful with him,” dagdag ng two-time PBA Grand Slam champion coach.

PBA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with