^

PM Sports

Meralco hari sa Leg 3 ng PBA 3x3 meet

Russell Cadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines — Ginamit ng Meralco ang kanilang eksperyensa para talunin ang rookie team na J&T Express, 19-14, at pagharian ang Leg 3 ng PBA 3x3 First Confe­rence Season 2 kahapon sa Robinson’s Place sa Las Piñas.

Ibinulsa nina Alfred Batino, Leo De Vera, Reymar Caduyac at Tonino Gonzaga ng Bolts ang prem­yong P100,000.

Nakuntento naman sina Robin Rono, Robert Datu, Joseph Sedurifa at Jeric Teng ng Express sa P50,000 bilang runner-up.

Isang 7-1 atake ang ini­­lunsad nina Batino at De Vera para ibigay sa Meralco ang 15-10 bentahe na hindi na nahabol ng J&T.

 Samantala, inangkin ng Braves ang third place at premyong P30,000 matapos talunin ang Tropang Giga, 21-13.

PBA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with