^

PM Sports

Tres ni Powell nagsalba sa Bay Area

Russell Cadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines — Walang ibang opsyon si Bay Area Dragons coach Brian Goorjian kundi ang ibigay kay import Myles Powell ang bola.

Ipinasok ni Powell ang isang buzzer-beating triple para tulungan ang Dra­gons sa 105-104 paglusot sa NorthPort Batang Pier sa 2022 PBA Commissioner’s Cup kahapon sa MOA Arena sa Pasay City.

“Hats off to them (NorthPort) and hats off to Myles for making that shot,” ani Goorjian kay Powell.

Kumonekta si Powell ng walong tres para sa guest team.

Maski ang depensa ni 6-foot-10 NorthPort import Prince Ibeh ay hindi napigilan ang game-winner ni Powell para sa pagsolo ng Bay Area sa liderato hawak ang 2-0 baraha.

Humugot si Powell ng 28 sa kanyang 37 points sa second half  habang nagdag­dag si Hayden Blankey ng 15 markers at humakot si 7-foot-5 Chinese center Liu Chuanxing ng 13 points at 5 rebounds.

Umiskor si Robert Bo­lick ng 33 points para sa Batang Pier,  may 1-1 marka, at may 22 at tig-11 mar­kers sina Arvin Tolentino, Jerrick Balanza at Jeff Chan, ayon sa pagkakasunod.

Kumpara sa kanilang 133-87 pagmasaker sa Blackwater ay hindi nado­mina ng Bay Area ang NorthPort.

Sa katunayan ay naagaw ng Batang Pier ang 104-102 abante sa huling 1:08 minuto ng fourth quarter mula sa basket ni Roi Sumang matapos agawan si Powell.

Ngunit sa huli ay ibi­ni­gay ng Dragons ang kanilang kapalaran sa mga kamay ni Powell, isang undrafted player noong 2020 NBA Draft.

Isinalpak ni Powell ang kanyang buzzer-beating triple sa kabila ng depensa ni Ibeh para ipanalo ang Bay Area kontra sa NorthPort.

 

MYLES POWELL

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with