^

PM Sports

Muyong, Pablo lumangoy ng tig-2 ginto sa COPA Novice meet

Russell Cadayona - Pang-masa
Muyong, Pablo lumangoy ng tig-2 ginto sa COPA Novice meet
Lumangoy ng dalawang ginto si Marcus Ca­leb Pablo sa COPA swim meet kahapon.

MANILA, Philippines — Tig-dalawang gold medals ang nila-ngoy nina Greg Anthony Muyong at Marcus Caleb Pablo sa paghataw ng Congress of the Philippine Aquatics, Inc. (COPA) Novice swimfest sa Teofilo Yldefonso swimming pool sa Rizal Memorial Sports Complex sa Manila kahapon.

Bumida ang 14-anyos na si Muyong ng Green Blasters Swim Club sa boys’ 14-years old Class A 50-meter freestyle (27.90) at sa 100m Individual Medley (1:09.90)

Nanguna si Pablo ng Aquaknights sa boys’ 6-yrs old 50m freestyle (57.41) at 25m breaststroke (28.91) sa two-day event na bahagi ng grassroots sports program ng COPA.

Pinamunuan ni COPA founder at Batangas 1st District Rep. Eric Buhain kasama sina coach Chito Rivera at Richard Luna ang pagbibigay ng mga medalya sa mga nanalo matapos ang inspirational message.

“Walang dapat maging sagabal sa ating mga pangarap. Hindi dito natatapos ang inyong pagpupursige,” ani Buhain. “Every tournament dapat ang laging misyon ninyo ay ma-improve ang inyong mga oras.”

Sa RMSC venue nilangoy ni Buhain, ang two-time Olympian, ang record na anim na gintong medalya noong 1991 Manila Southeast Asian Games.

“Sa inyong hanay, umaasa ako na magmumula sa inyo ang bubura sa record ni Eric Buhain,” wika pa ng dating Philippine Sports Commission (PSC) at Games and Amusements Board (GAB) chairman.

Idinagdag ni Rivera, ang Jose Rizal University varsity coach, ang pagpapa­lakas ng COPA sa kanilang programa sa grassroots level.

“Itong mga batang ito ay hindi na mag-aalala kung saan nila kukunin ang mga gastusin para makalangoy. Nakikipag-usap na ang COPA sa DepEd at sa iba’t ibang lokal na pamahalaan through our cluster officials para maipagpatuloy nila ang paglangoy at makasali sa mga tournaments,” ani Rivera.

COPA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with