^

PM Sports

King Whale sinakmal ang Army

Chris Co - Pang-masa
King Whale sinakmal ang Army
Naharang ni Ivy Perez ng Army ang tira ni Khandsuren Gantogtokw ng King Whale ng Chinese Taipei.
PVL Image

MANILA, Philippines — Magarbong sinimulan ng foreign guest team King Whale ng Chinese-Taipei ang kampanya nito matapos walisin ang Philippine Army, 26-24, 25-18, 26-24, kahapon sa Premier Volleyball League (PVL) Invitational Conference semifinal round sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Nanguna sa atake si Beatriz Flavio De Carvalho na humataw ng 14 puntos mula sa 13 attacks at isang ace para sa King Whale na umangat sa 1-0 rekord sa semis.

Nakakuha ito ng solidong suporta mula kina Wang Yu Wen at Chen Li Jun na parehong nagrehistro ng 10 puntos habang may tig-anim naman sina Tsai Qin-Yao at Chen Chieh.

Nakagawa ang King Whale ng 27 errors subalit natabunan ito ng kanilang performance sa attackline matapos kumana ng 47 hits laban sa 30 ng Lady Troopers.

Lamang din ang King Whale sa digs (78-50), receptions (30-26) at sets (22-12).

Nanatiling mailap ang panalo sa Lady Troopers na nahulog sa 0-4 baraha.

Walang players ang Army na nagsumite ng double digits kung saan nalimitahan sa walong puntos si team captain at top scorer Jovelyn Gonzaga.

Sa ikalawang laro, wala pa ring bahid ang Open Conference champion Creamline sa semis matapos payukuin ang Cignal, 25-17-25-15, 25-22.

Umangat ang Cool Smashers sa 3-0 rekord upang mapatatag ang kapit sa solong pamumuno.

 

vuukle comment

VOLLEYBALL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with