^

PM Sports

Ngitngit ng basketball fans

POINT GUARD - Nelson Beltran - Pang-masa

Mapapahupa na kaya ng mensahe ni SBP president Al Panlilio ang sama ng loob at ngitngit ng Filipino cage fans?

Niyakap ang responsibilidad at nangakong babawi upang mapanatili ang mataas na tindig ng national team sa regional ranking.

Ang tanong eh kaya ba nila itong gawin sa papa­rating na FIBA Asia Cup sa Jakarta?

Papasimula na muli ang PBA para sa kanilang bagong season. Ibig sabihin, matatali ang mga PBA players sa kanilang mother teams.

Malamang cadet players ang bubuo ng koponan sa pamumuno ng mga Ateneo players. Maaaring samahan ito ng ilang TNT Tropang Giga players -- ayon sa original plan para minimal ang distraction sa PBA.

Ang tanong eh kung mananatili ang plano kasama ang coaching job na nakaatang kay Chot Reyes? O balik sa planning pag­katapos ng Hanoi debacle?

Malapit na ang 2023 FIBA World Cup hos­ting ng bansa. Ang siste, balik sa step 1 ang national team program.

Kung hindi kikilos ng mabilis, baka kapusin na sa panahon sa pag-prepara ng kopo­nang makakahugot ng disenteng showing.

Ang malamang, masama pa rin ang loob ng Filipino basketball fans, at kasamang tatamaan ng kanilang hagupit ang gate receipts ng papasimulang PBA Season 47.

Malamang langawin ang mga unang laro, at maaaring bumalik lang ang crowd pagdating ng playoffs.

Araguy!

vuukle comment

BASKETBALL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with