Pinoy athletes sabak agad sa training

MANILA, Philippines — Walang aaksayahin na panahon ang mga miyembro ng national team dahil balik-ensayo agad ang mga ito para paghandaan ang 2023 Southeast Asian Games sa Phnom Penh, Cambodia.

Isang taon na lamang ang nalalabi bago ang susunod na edisyon ng SEA Games kaya naman nais ng Pinoy athletes na ipagpatuloy agad ang training para mapanatili ang mataas na kundisyon ng kanilang panga­ngatawan.

Bukod sa SEA Ga­mes, paghahandaan din ang Asian Games na idaraos din sa 2023 sa Hangzhou, China.

Orihinal na nakatakda ang Asian Games sa Setyembre 10 hanggang 25 subalit ipinagpaliban ito ng mga organizers dahil sa coronavirus disease (COVID-19) pandemic.

Wala pang bagong petsa ang Hangzhou Asian Games.

Inaasahang magdiriwang muna ang mga atleta sa mga napanalunan nitong medalya sa Hanoi SEA Games.

Advertising
Scroll to continue

Kasama na rito ang courtesy call sa Malacañang at pamamahagi ng cash incentives sa mga medal winners.

Matapos ang sele­bras­yon, balik-aksyon agad ang mga atleta para sa susunod na labang ha­harapin nito.

Maliban sa SEA Ga­mes at Asian Games, may mga regional tournaments at world championships pang lalahukan ang ibang mga National Sports Associations.

Nakasentro rin ang atensiyon ng lahat sa 2024 Olympic Games sa Paris, France gaya ni Tokyo Olympics gold medalist Hidilyn Diaz na dedepensahan ang kanyang korona sa weighlifting compeition.

 

Show comments