^

PM Sports

DeRozan bumato ng 50 pts sa panalo ng Bulls sa Clippers

Pang-masa

CHICAGO — Nagpasabog si DeMar DeRozan ng season-high 50 points sa pagbangon ng Bulls mula sa 16-point deficit sa third period para agawin ang 135-130 overtime win sa Los Angeles Clippers.

Umiskor ang five-time All-Star ng 17 markers sa fourth quarter at kumamada ng 10 points sa extra period para sa pag-upo ng Bulls (45-32) sa No. 5 spot sa Eastern Conference.

Sa kabila ng kabiguan ay nakamit pa rin ng Clippers (37-40) ang tiket sa play-in tournament sa Wes­tern Conference sa pagiging No. 8.

Nag-ambag si Nikola Vucevic ng 22 points at 14 rebounds at may 21 mar­kers si Zach LaVine para sa Bulls na nakatabla sa 118-118 mula sa dalawang free throws ni DeRozan sa huling 3.5 segundo patungo sa overtime.

Sa Salt Lake City, umiskor si Donovan Mitchell ng 29 points sa 122-109 paggupo ng Utah Jazz (46-31) sa LA Lakers (31-45) at tapusin ang kanilang five-game losing skid.

Sa New York, nagposte si Giannis Antetokounmpo ng 44 points, 14 rebounds at 6 assists sa 120-119 overtime win ng nagdedepensang Mil­waukee Bucks (48-28) sa Brooklyn Nets (40-37).

vuukle comment

LOS ANGELES CLIPPERS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with