Abalos nanatiling may puso sa caddie
Personal kong namalas ang patuloy na pagmamahal ni dating Mandaluyong City Mayor at Comelec chairman Ben Abalos sa mga nangangailangan nang matiyempuhan ko ang kanyang pagdalaw sa Veterans Golf Club noongLunes.
Katatapos lang ng aking round kasama si Engr. Ariel Francisco nang makasalubong ko si Chairman Abalos. Sinadya niya ang Veterans nang mabalitaan ang isyu ukol sa pagkakatanggal sa trabaho ng isang caddie.
Nais niyang malaman ang puno’t dulo ng usapin dahil siya ay nag-aalala sa magiging kalagayan ng caddie at ng kanyang pamilya.
Narating ni Abalos ang mataas na posisyon sa gobyerno pero patuloy na nagmamalasakit sa mga caddies na kanyang naging trabaho noong kanyang kabataan.
Sa kahirapan ng buhay sa pagbubuhat ng golf bags, siya ay nagpunyaging mag-aral, naging abugado at naging judge.
Klasiko ang kanyang kuwento bilang Wack Wack Golf and Country Club caddie na naging chairman ng nasabing golf club.
Mula rin sa pagiging caddie, natutunan niya ang paglalaro ng golf, gumaling at naging ace player sa PAL Interclub golf.
“Naaawa ako sa kanila (caddies). Hangga’t may maitutulong, tutulungan ko sila,” ani Abalos sa aming maigsing huntahan.
- Latest