^

PM Sports

Maraming problema sa paglahok ng Pinas sa Vietnam SEA Games

Russell Cadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines — Sandamakmak na problema ang kinakaharap ng Pilipinas sa pagdedepensa sa overall championship sa 31st Southeast Asian Games sa Hanoi, Vietnam sa Mayo.

Ang mga ito ay dahil sa patuloy na paglaban ng bansa sa coronavirus disease (COVID-19) at ang kakapusan sa pondo, ayon kay Philippine Olympic Committee (POC) president Abraham ‘Bambol’ Tolentino.

“Ang daming nangyari na mahirap sagutin. Unang-una iyong pandemic, naapektuhan iyong training. Second iyong budgetary constraints, ang laki ng epekto nu’n sa training din and eveything sa coaches,” ani Tolentino.

Natengga ang ensayo ng mga national athletes simula noong 2000 dahil sa COVID-19 pandemic kung saan ilan lamang ang naipasok ng Philippine Sports Commission (PSC) sa bubble training.

Humakot ang Team Philippines ng kabuuang 149 gold, 117 silver at 121 bronze medals nang maging host ng SEA Games noong 2019 kasunod ang Vietnam na may 98 golds, 85 silvers at 105 bronzes.

Hangad ng mga Pinoy athletes na maipagtanggol ang overall crown sa Vietnam SEA Games na nakatakda sa Mayo 12-25.

“Ang lamang natin sa Vietnam is 40 plus golds, eh binawasan ni Vietnam ng 30 plus golds ang events kung saan tayo naka-gold,” ani Tolentino. “So simple mathematics na lang iyon. So talagang uphill battle.”

Kung ang Vietnam ang kokopo sa overall crown ay makakaagawan naman ng Pinas para sa No. 2 spot ang Thailand at Indonesia.

vuukle comment

SEA GAMES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with