^

PM Sports

Tyler Herro nagpakabayani

Pang-masa

MIAMI — Tumipa si shooting guard Tyler Herro ng 26 points para banderahan ang Heat sa 125-99 pagtusta sa Atlanta Hawks sa NBA preseason game.

Humakot si center Bam Adebayo ng 14 points at 5 rebounds at may 13 markers si Duncan Robinson para sa Miami.

Pinangunahan ni big man John Collins ang Atlanta sa kanyang 14 points at 9 rebounds, habang may 14 markers si guard Trae Young.

Sa Portland, kumamada ang Golden State Warriors sa third period para patumbahin ang Trail Blazers, 121-107, sa likod ng 30 points ni Jordan Poole.

Nagdagdag si Otto Porter ng 19 points mula sa bench para sa Golden State, habang may tig-13 markers sina Stephen Curry at Andrew Wiggins.

Umiskor si Damian Lillard ng 19 points tampok ang limang three-point shots sa panig ng Portland at may 13 at 12 markers sina Norman Powell at CJ McCollum, ayon sa pagkakasunod.

Sa iba pang mga laro, tinakasan ng Los Angeles Clippers ang Denver Nuggets, 103-102; tinalo ng Toronto Raptors ang Philadelphia 76ers, 123-107; at lusot ang Boston Celtics sa Orlando Magic, 98-97.

 

TYLER HERRO

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with