41 athletes kasama sa FEU Hall of Fame
MANILA, Philippines — Pinasinayaan na ng Far Eastern University ang FEU Sports Hall of Fame Room upang lalong kilalanin ang mga alamat ng unibersidad na umukit ng kasaysayan hindi lamang sa collegiate sports kundi sa buong bansa at mundo.
Itinayo ang Hall of Fame Room sa unang palapag ng FEU Admissions Building, kung saan nakalagak ang mga memorabilia na nagbibigay-pugay sa mga atletang naging imortal na sa kasaysayan ng FEU sports.
Sa kabuuan ay 41 na ang mga atletang nahalal sa FEU Sports Hall of Fame, pinakabago sina basketball legends Arwind Santos at Denok Miranda gayundin si volleyball star Rachel Anne Daquis noong 2018.
Kasali rin sa naturang Hall of Fame class sina Olympian long jumper Ma-restella Torres-Sunang, chess grandmasters Jayson Gonzales at Janelle Mae Frayna gayundin sina Christopher Ulboc at Jesson Cid ng athletics.
Nauna nang nalagay sa Hall of Fame ang mga alamat na sina Olympic medalists Anthony at Jose Villanueva ng boxing, Elma Muros-Posadas at Lydia de Vega-Mercado ng athletics, Johnny Abarrientos, Turo Valenzona at Danny Gavierres ng basketball.
- Latest